The Couple

  dionne
  joven

Monday, March 14, 2005

Bayview Park Hotel Ocular

Unang problema, di namin alam kung san yung hotel! May mapa naman kami pero, syempre, di naman drawn to scale yun... Medyo nagmamadali na din kami makapunta kasi medyo tinanghali ako nang punta kina Dionne. Para makaiwas sa traffic sa Carriedo/ Sta. Cruz, nag-LRT na kami. Nagdadalawang-isip kami kung san kami bababa. Sa Central ba? Carriedo? UN? Napagdesisyunan namin na bumaba na lang sa Carriedo at mag-jeep papuntang Mabini/ Harrison Plaza para di na masyado malayo ang lalakarin kumpara sa Central.

OK, naka-jeep na kami, san naman yung Plaza Ferguson? Hmm. Sabi sa mapa, pagkalampas ng UN, bago mag Padre Faura. Pumara si w2b (hehehe) sa Ermita Church, malapit na lang daw dun yun. Lakad naman kami papunta sa Roxas Boulevard, sa tapat lang naman daw ng US Embassy yun eh. Habang naglalakad, may nakita kaming hotel/ traval agency na, sa di maipaliwanag na dahilan, eh natatawa ako sa pangalan. Ito ay ang Swagman Hotel. Tuloy lang kami nang lakad, kumaliwa sa may Roxas. Medyo nauna na ako maglakad para silipin kung ang target naming building ay ang Bayview. Hmm, parang di ko matanaw ah... Silip sa kabilang side... Ayun! =)

Matapos ang adventrure sa paghahanap, na-meet na din namin si Tita Anching. May mga binanggit sya tungkol sa packages, sa rooms, sa food. Pinakilala nya kami kay Aileen, na syang nag-brief sa amin sa mga packages at amenities ng hotel. Dinala nya kami sa 10th floor (pinakataas na daw ito), kaya daw nito maglulan nang 200 katao. Medyo maluwag naman. Kung masisiguro daw namin na 220 guests ang pupunta, isasama na daw nya yung elbow room, na kaya maglaman nang 150 guests pa! Ayos! Sa halip na 12 guests per round table, gagawin na lang 10 para mas maluwag. May dedicated elevator pa para sa extrang room na ito!

Ang mangyayari, nasa corner nung 2 rooms ise-setup ang stage para sa newly weds at mga principal sponsors. Yun nga lang, di magkakakitaan yung guests na nasa magkabilang side. OK lang naman, basta kita kami! =)

Nung una, gusto namin i-avail yung food service lang... Gusto kasi namin na kumuha ng cake at flowers galing sa ibang suppliers. Naisip namin, pag ganito, kailangan may coordinator kami na mauuna sa reception para maihanda ang mga dekorasyon habang nagaganap ang kasalan. Nung kinahapunan, nang makausap namin ang aming "coordinator", si Tita Dap, napagdiinan nya nga yung naisip namin na hassle sa paghahanda pa nung mga dekorasyon. Baka naman daw pwede yung mga +/- na lang dun sa packages. Tipong, iibahin na lang yung cake sa halip na i-avail yung invitations, etc. Hopefully, makausap ni Dionne si Aileen soon para ma-verify kung pwede nga ang ganun.

So far, OK naman kami sa Bayview. Baka di nga lang namin kunin yung elbow room (for just an additional 20 guests!) dahil medyo mahal na aabutin nung package... Yun nga lang, mukhang kailangan namin mag-trim ng guest list. Nuninu!

Labels: ,

3 Comments:

At 3/15/2005 9:20 PM, Anonymous Anonymous said...

joven! small world talaga kita mo naman pati blog nyo nakita ko pa. (sa friendster billboard nakita ko link sa blog ni sarah, na na-blog din na ikakasal na friend niyang si dionne, na syempre sa picture e ikaw pala h2b - konek2). parang kailan lang nandun tayo sa new house nina irene sa las pinas wala ka pang gf nun, tapos eto ikakasal ka na! bilib ako ha sa interes mo sa wedding hehe! good luck and god bless. - cherry vi

 
At 3/17/2005 7:42 AM, Blogger joven said...

hehehehe! thanks cherry vi! ;)

 
At 4/01/2005 12:15 PM, Blogger Lyra said...

HI Joven! Such a small world! Glad to hear you're getting hitched na rin! Happy preps to you and Dionne! :)

 

Post a Comment

<< Home