Trip to Divisoria
Pagkagaling sa Bayview, deretso kami sa Divisoria para tumingin ng souvenirs at mga tela. Grabe traffic! 11:30 AM pa lang nasa Binondo Church na kami, 12 PM na di pa kami umabot sa pupuntahan namin. Sa sobrang inip, nilakad na lang namin papunta sa Tabora(?). Grabe and init! Pawis na pawis (at gutom na gutom) kami na naglalakad sa kalsadang iyon. Dami souvenirs: figurines, chimes, bottles, etc. May nagustuhan kami na bote, paglalagyan nung souvenir sana, kaso lumampas na kami nung naisipan namin na pwede pala gamitin yun as souvenir. Sa halip na bumalik, sabi ko, "may makikita pa naman tayo banda dun." Sa kamalasan, wala na kaming nakitang bote. :(
Pumasok kami sa isang building (na di mo na makita ang pasukan sa sobrang dami ng stalls na nakatayo sa harap ng mga ito na sinasakop na pati ang kalsada kaya sobrang malas mo pag sinubukan mo magdala ng sasakyan dito, mas malamang lang eh mapikon ka dahil di mo din magagalaw ang iyong sasakyan sa sobrang sikip ng kalsada; hehe, mainit lang siguro talaga). Sa loob, masikip din ang mga daanan. Nakakita kami dun ng mga tindahan ng mga costumes na pang-mulawin (mulawin day nga pala nun, hehe) at may ilang stalls din na nagtitinda ng mga damit pang-kasal. Nagtanong-tanong kami at humingi ng mga business cards. Gowns daw, 2500- pataas. May mga barong, 600- pataas. Eh kung magbarong na lang kaya lahat? Hehe! (Biro lang, w2b...)
Gutom na gutom na kaming naglakad patungo sa Cluster, papunta dun sa katabing mall muna para kumain. Sobrang dami ng tao dun sa Chowking na malapit sa Tabora eh. Di kami makakita ng Greenwich (para sa Pearl Coolers), kaya nag-Chowking na lang din kami. Shanghai Lauriat, Pork Spare Ribs, Pork Siomai, Black Gulaman, Halo-halo! Grabe, ginutom talaga kami ng lakad na yun...
Balik kami sa Cluster para ipagpatuloy ang pakikipagsapalaran. Dumaan muna kami sa Lace Center para tumingin ng mga kulay-kulay. (Si Dionne na bahala dito, hehe.) Pumunta na din kami sa bangko para ma-withraw ang bunga ng GSIS ni Dionne. Sya na lang tanungin nyo kung magkano yun. =)
Pagpasok sa mall, unang gown shop na nakita namin ay yung pag-aari ni "Stephen" (wala kasing last name dun sa card nya eh). Tanong nya sa amin, "kelan ang kasal?" "June 2006" "May colors na ba?" "Wala pa..." "May design na ba?" "Wala pa din..." "Eto card ko, pag-planuhan nyo muna. Balik kayo sa akin para sa quotations." Sabay baling sa iba pang cutomers. Taray! Naisip namin, ayos to ah. Walang paliguy-liguy. Tama sya. Plano muna, balik na lang para sa quotations para mas realistic ang mga presyuhan... Tinuloy na lang din namin ang pag-iikot. Halos ganun nga din ang presyo, pero depende daw talaga sa design at sa tela na gusto gamitin. Sige na nga, hahanap muna kami ng kulay at designs. Buti na lang, maaga namin nalaman ito. Kundi, baka naghahagilap pa kami nito next year.
Matapos maligaw-ligaw sa mall, natunton din namin uli ang shop ni "Stephen". Titignan sana namin yung mga sample nya. Aba naman, natatandaan pa kami! Tuwa naman kami, maayos sya kausap. Ayan, isa na sya sa mga ico-consider naming pagpagawan. =)
Bago pa nga pala kami umuwi, himirit pa kami ng "ice cream in sugar cone with dip" dun. Hehe! Nagulat na lang ako nung nakita kong chocolate yung ice cream, at di vanilla! Tapos, pipili pa kami ng dip?? Cheese dip sa chocolate ice cream?? Ayun, chocolate ice cream in sugar cone with chocolate dip ang bagsak namin. =D

4 Comments:
Natawa naman ako... Wag nyo nang tanungin magkano yung winidraw ko. Hehe! =)
Concerned ako - siyempre secondary sponsor me kelangan naka-gown ako at hindi nakabarong! If my supplier is o'right (friend ni Iyay) recommend ko siya sau okay? Talk to the bargain lady honey!
yey! sige please... alam mo naman kelangan conscious tayo sa budget. =)
gud lak!
Post a Comment
<< Home